Isa akong tunay na lalaki! (daw)

Apr 11, 2013 23:55

title: Isa akong tunay na lalaki!
one-sided!sekai. pg. crack. (2,277 words)
sa totoo lang, hindi gusto ni sehun na mangyari ang kababalaghan na ito. pero okay lang.


Isa akong tunay na lalaki! (daw)

Hindi mawari ni Oh Sehun kung ano ang nararamdaman niya para sa kanyang pinaka matalik na kaibigan a.k.a best friends forever na si Kim Jongin. Hindi naman sa sinasadya na magkagusto sa best friend niya (hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung gusto niya o hindi). Accidents happen nga naman, oo at isa doon ang feeling ni Sehun na gusto niya si Jongin (baka feeling lang naman daw).

Bilang mga students ng all-boys school sila Sehun at Jongin, hindi maiiwasan ang tuksuhan na pagiging bakla o pagiging isang ultramega magnet ng mga chicks. Ang alam ni Sehun, isa siya sa mga habulin ng chicks (baka siya lang may alam).
Pero totoo. Lagi siyang may jowang babae, parang hindi siya nauubusan.

Hindi alam ni Jongin kung saan napupulot ni Sehun ang mga babaeng “nililigawan” niya. Meron siyang taga St. Paul Pasig, Poveda, Assumption, Miriam, at kung saan saan pa. Pero restricted lang sa all-girls school (isang fact na napansin ni Jongin).

Sinasabihan ni Sehun si Jongin na sinasayang niya ang pagka-gwapo niya kung hindi siya magkaka-girlfriend.

Pero hindi, gusto ni Jongin maging tunay na lalaki na magkaka-jowa pagdating ng tamang panahon.

Hindi na uso yan, ang sabi ni Sehun.

Uso na ang maraming chicks, dagdag ni Sehun.

Pathetic, ang masasabi lang ni Jongin sa utak niya.

But in one single day, everything changed. Like a lightning struck one boy’s heart o ang kulay berde ay suddenly na-inject sa puso niya.

“Jongin!” tawag ni Sehun sa dulo ng hallway habang tumatakbo sa bff niya sabay akbay sa shoulders. Onting bromance nga naman.

They walked towards the classroom, magka-akbayan.

“Bakla!” Sigaw ng isang iskulmate nila sakanila.

“Gago! Mas bakla ka!” Jongin shouted back at that guy. What guts did that boy have. Kung makatawag ng bakla parang hindi sila lumalabas ng Park Chanyeol na iyon. Napatawa na lang si Sehun.

“Alam mo ba, nakipagbreak na ako sakanya.” Sabi ni Sehun na parang wala lang.

Jongin sighed, “Bakit naman? Hindi pa kayo nakakatagal ng one month! Grabe Sehun, hindi mo pa pinatagal ng isang buwan.”

“Ang boring niya eh.” Sabi ni Sehun habang papasok na sila ng classroom.

Lagi naman eh, isip ni Jongin sa utak niya.

Nang pagkaayos nila ng gamit nila sa kanilang upuan, umupo si Jongin sa upuan beside Sehun.

“Pero alam mo ba,”

“Ano nanaman?” tanong ni Jongin.

“Hindi ko pa rin siya matanong kung pwede ko ba siya ligawan,” Sehun said as a sigh went out of his lips. Syempre, even though Sehun has magnet powers sa mga chicks, hindi maiiwasan magkagusto ng seryoso sa isang babae.

Marami nang natawag si Sehun na Happy Crush (yung usong tawag na ngayon).

May mga levels ng crush ang mga kabataan ngayon according kay Sehun at ito’y nagsisimula sa silay: hanggang tingin lang ang gusto mo sakanya dahil siguro maganda siya o cute, tapos ang susunod ay prospect: silay with feelings pero hindi intense feelings, pagkatapos ng prospect, happy crush: silay with feelings na minsan kilig na kilig na talaga pero hindi pa naman obsessed, tapos ang serious crush: dito papasok ang level ng pagkagusto niya sa babae na matagal na niyang gusto kahit marami ng jowa na nagpagdaanan  si Sehun, higher level of crush daw sabi ni Sehun, kilig to da bones nga daw! Medyo may obsession ng halo ang pagka-crush na ito.

Pagkatapos ng serious crush, mayroong love. Love ang pinakahuling level ng crush para kay Sehun. Dahil kabataan nga naman si Sehun, marami siyang alam.

“Ligawan mo na! Magpaka-lalaki ka naman minsan, Sehun,” tukso si Jongin sa kaibigan niya.

“Eh, hindi ko alam kung paano ko siya liligawan,” sabi ni Sehun.

“Are you kidding me? You had a lot of girls in the past and you don’t know how you’ll court her? Grabe, Sehun,” gulat na gulat na sabi ni Jongin.

Totoo nga naman. Marami na ring naligawan si Sehun, maraming alam na methods para masagot siya ng babae, pero ang naguguluhan lang si Jongin ay kung bakit ganyan si Sehun.

“Mahirap na with feelings, pare. It’s not that easy and to think na matagal ko na siyang kinakausap via text, twitter, facebook, at harap harapan pa, alam ko na yung mga type niyang lalaki at hindi ako ‘yon.”

“Hindi ka pala type non, eh!” Sabay tawa ni Jongin.

Pagbatok ang nakuha ni Jongin.

“Pero Sehun, alam kong magugulat ka sa sasabihin ko,”

Biglang naging seryoso. Ano naman kaya ito, napa-isip si Sehun.

“Medyo,” napatigil si Jongin.

“Ano? Sabihin mo na, ang suspense mo naman eh.”

Sasabihin ko na na, shet! Pero alam naman niyang hindi siya type ng babae eh.

“Gusto ko din siya, hindi ko lang sinabi sayo baka magalit ka.”

“Okay lang.” ang masasabi ni Sehun. Hindi alam ni Sehun kung galit siya o naiinis o kung neutral feelings lang. Hindi niya alam. Naguguluhan lang siya. Biglaan nga naman.

“Okay lang?” sabay tawa ulit ni Jongin. “Okay lang talaga? Yan ang tunay na kaibigan!”

Makikita mo ang mga ngiti sa mga mata ni Jongin.

Ang ganda, biglang napasok sa isip ni Sehun.

Ay puta anong maganda, biglang nagbago ang isip ni Sehun.

“Anyway, sasamahan mo ako sa training ko mamaya sa Ultra, ha? Ikaw transpo ko pauwi” sabi ni Jongin. Nagpasalamat na lang si Sehun kay Jongin sa utak niya at bigla siyang nagsalita dahil baka kung ano pa ang maisip niya.

Hindi pwede ‘yon.

“Okay.”

Dumating na ang dismissal time at pumasok na si Jongin sa coaster ng school nila para pumunta sa Ultra kasama ang team mates niya habang si Sehun, sa car nila para dumiretsyo na rin sa Ultra.

Track and Field athlete si Jongin. Dismissal hanggang 7PM ang training time niya - mahigit 3 oras na rin.
Nasa bleachers lang si Sehun, nakikipagtext sa mga babae (at iba naman lalaki). Minsan naglalaro na rin ng Candy Crush Saga para magpalipas oras.

“Sehun!” Tawag ni Jongin habang nagwawarm-up jogging siya at nakangiti.

Oh shit.

Naka fit jersey si Jongin at naka cyclings na hanggang tuhod na napaka fit. Kumaway na lang si Sehun kay Jongin.

Tangina, Sehun get your thoughts straight!

Pero, grabe. Toned pala ang katawan ni Jongin.

Oy, isip ni Sehun, tumigil ka na nga.

“Shit,” Sehun muttered under his breath.

Sa totoo lang, hindi pinapansin ni Sehun si Jongin pagnagtrtraining ang bff niya dahil sa kaka-text o kaka-laro ng mga Apps sa cellpon niya.

Pero ngayon, imba. Imba talaga. Parang pinanuod lang ni Sehun si Jongin magtraining, tumakbo ng 100m, 200m, at ang pinaka hinintay ni Sehun ay ang 400m para madaanan siya ni Jongin.

Kakaiba, yung muscles ni Jongin, kakaiba.

Ang bilis tumakbo ni Jongin… sa puso ko. HAHAHAHA

Putangina, stop it Sehun.

Ayoko ng ganito, hindi pogi si Jongin, hindi siya macho, hindi siya maganda ngumiti na parang bituwin ang mga mata, hindi siya -
Oh shit papunta siya dito.

“Sehun, paabot ng towel sa loob ng training bag.”

Putangina, ang pogi mo ako na lang ang ipampunas mo Jongin.

Ugh! ANO BA ‘TONG NASA UTAK KO. HINDI KO MATIGIL.

“A-ano?” Sehun stuttered while his eyes wonder elsewhere instead of Jongin’s face. Ayaw ni tumingin, baka kung ano nanaman ang maisip niya. Grabe, paano ba naging ganito ang pag-iisip niya.

“Paabot ng towel sa training bag, sa bulsa sa right side.”

Ginawa ni Sehun ang sinabi ni Jongin dahil mabait siyang kaibigan.

Bumaba si Sehun ng bleachers at inabot ang towel ni Jongin.  “Jongin, towel mo.”

Hindi nakatingin si Jongin nung sinabi ni Sehun ‘yon, parang hindi narinig ni Jongin.

“Jongin! Narinig mo ba ako? Towel mo!” Napatingin na si Jongin sakanya at napangiti.

Ang ganda.

“Ah sorry, thanks,” sabi ni Jongin sabay kuha sa mapuputing kamay ni Sehun.

They touched shet.

Sehun smiled and returned to his old sit. Napa-isip ulit si Sehun, bakit ganon bigla biglaang lang tapos si Jongin pa.

Hindi ito pwede, lalaki ako! Hindi ako bakla!

At doon nagsimula ang mga isip berde sa utak ni Sehun.

He’s confused. Hindi niya alam kung phase lang ba ito ng kabataan niya kasi he studies in an all-boys school. I-add pa ang deprivation niya sa babaeng gusto niya kasi hindi siya kasama sa listahan ng ideal type ng babae.

Baka ang kasagutan lang sa tanong na ito ay lumayo kay Jongin para ma-settle yung feelings niya.

Hindi ako bakla.

Lumipas ang oras sa pag-iisip niya na hindi siya bakla. He’s just confused. Hanggang sa matapos ang training ni Jongin.

Kinuha ni Jongin ang training bag niya sa tabi ni Sehun.

“Sehun, hintayin mo ako! Magpapalit lang ako ng damit,” sabi ni Jongin while Sehun nodded.

Bumalik na si Jongin ng naka t-shirt na at yun pa rin yung suot niya sa pambaba. Nagpalit na rin siya sa slippers.

Nakatingin lang si Jongin sakanya.

Huwag ka tumingin sakin ng ganyan.

“Bakit ka nakatingin?” tanong ni Sehun.

“Parang may mali.”

“Anong mali?”

“Hindi ka nagtetext o naglalaro, yung mga usual mong ginagawa. Nakatulala ka lang buong time na nagtrtraining ako. Okay ka lang?”

Hindi ako okay. Hindi ako bakla.

Pucha, napansin niya na nakatulala lang ako so it means na tumitingin siya sakin.

Hindi ako okay. Hindi ako bakla.

“Oo naman. Nag-iisip lang,” sabi ni Sehun. Totoo naman.

Oo, apparently, ikaw iniisip ko.

Lechugas.

“Nag-iisip para ligawan siya?” Jongin asked teasingly while nudging Sehun kasama pa ang malakas na tawa.

Ay.

Pero, kung maka-tanong naman ito, parang wala rin siyang gusto. Imba ka talaga, Jongin.

“Gusto mo rin siya, diba?”

“Ayoko mang-agaw.” Ang tanging sabi ni Jongin. Tama nga naman. Mas una nag-sabi ni Sehun na gusto niya yung babae.

Hinintay nila yung sundo ni Sehun ng hindi nagsasalita sa isa’t-isa.

Dahil kinakausap ni Jongin yung team mate niya. Sehun decided not to talk and just think. Even texting won’t help him. He needs to think this thoroughly. Hindi niya afford maging bakla.

Hindi niya afford maging kulay berde ang puso niya.

Hindi pwede.

Sehun glanced at Jongin.

Nakng, naka-ngiti nanaman.

Napa-isip nanaman si Sehun ng malalim.

Bakit ko ba ito iniisip? Marami akong girls. Aba magnet ata ako ng mga chicks.

Baka na-confuse lang ako kasi baka hindi ako payag na magka-gusto siya sa babae na natitipuan ko. Medyo Bro code ‘yon. Siguro ‘yo-

Biglang nagvibrate ang cellpon ni Sehun at nawala ang train of thoughts niya.

“Hoy panget, nandyan na yung sundo.” Tinapik ni Sehun ang balikat ni Jongin at tumayo.

“Ah, sige wait lang.”

Tumingin si Jongin sa team mate niya, “Bro, alis na kami!”

“Sige, bro!”

Dumating na sila Sehun at Jongin sa kotse ni Sehun.

“Hi tita! Pasabay!” bati ni Jongin sa mom ni Sehun pagkabukas ng pintuan at sumakay sa likod ng kotse.

“Jongin! Sige sige, tabi na lang kayo ni Sehun doon sa likod.”

Tabi kami?! Hindi pwede. I’ll be more confused!

“Ma, hindi. Tabi tayo, dapat may katabi ang nag-drdrive para hindi magmukhang driver.”

Binuksan ni Sehun yung pintuan sa passenger seat at umupo doon.

Excuses.

“Aba aba, parang ang bait ata ni Hunhun ngayon a.”

Hindi niyo lang alam.

Tahimik ang buong car ride papunta sa bahay ni Jongin. Pagtetext lang ang ginawa ni Sehun habang si Jongin nakikinig lang ng radio sa kotse.

Ano kaya meron kay, Sehun? Napa-isip si Jongin habang napatingin siya sa bff niya.

Kinuha niya ang phone niya sa training bag niya at tinext si Sehun.

Pare! What’s up? Parang ang tahimik mo ngayon ah.

Wala.
Grabe, Sehun. Ang minimalist mo naman mag-text! =))

Akala ko ba tunay kang lalaki, bakit ka gumagamit ng emoticons?
Kung makapag-salita parang hindi ka gumagamit! Hoy, ano na kasi meron?

Ano ba pake mo?
Mas mataray ka pa sa babae ah. :o

Kung yan lang sasabihin mo, huwag mo akong kausapin.
What the fuck, bro. Ano ginawa ko sayo?

Kung alam mo lang, Kim Jongin. Kung alam mo lang.
Tungkol ba ito sa pagsabi ko sayo na gusto ko din siya? Sayong sayo na siya! Ayoko masira friendship natin dahil lang doon.

Nakakairita.
Hold it, bro. Parang okay lang tayo kanina ah!

Bahala ka sa buhay mo.

Naka-kunot ang noo ni Jongin yung nabasa niya yung huling ni-reply ni Sehun.

Parang babae. Ganito ba effect ng pagkakaroon ng maraming jowa?!

Nakarating na sa bahay ni Jongin ng hindi nagsalita ang dalawang mag bff.

“Thank you, tita! Bye po!” Bumaba na si Jongin ng hindi man lang nagpaalam kay Sehun.

Kumirot ang dibdib ni Sehun, bakit suddenly parang nalungkot siya.

Nasaktan ba ako?

Medyo parang tanga.

Siguro sa init ito sa ultra.

Nakauwi na ng bahay ganon parin ang nararamdaman niya.

Nakahiga na siya ng kama bago matulog, ganon parin ang nararamdaman niya.

Kinabukasan na at ayaw ni Sehun pumasok. At bakit kamo? Ayaw niya makita si Jongin. Simple.

Mahirap pag may magulang kang ayaw kang umabsent. Gagawin lahat para pumasok ang bata.

“Oh Sehun! Isa! Paghindi ka pa tumayo diyan pagkatapos ng tatlo -”

“Ito na babangon na!” Inis na inis na sinigaw ni Sehun.

Naghanda siya para sa eskwelahan kahit against sa will niya. Ayaw niya. Kung pwede lang isigaw sa mga magulang niya na, Huwag po! Maawa po kayo sakin! Pero hindi kasi hindi siya bakla.

Dumating na siya ng school at tumingin muna siya sa paligid bago bumaba ng kotse.

Okay wala si Jongin. Clear.

Naglakad siya ng hallway ng naka-yuko dahil ayaw niya mapansin siya ni Jongin.

“Sehun!” Napa-flinch ang shoulders ni Sehun sa gulat.

Pero kahit anong gawin siya malalaman ni Jongin kung si Sehun yon o hindi.

Bwiset.

“Sehun, ano ba problema mo hah?”

“Jongin, please give me some space, okay?”

Tumawa bigla si Jongin, “give you some space? Okay ka lang, hindi naman naging tayo eh.”

Tagos sa malapit na maging pusong berde ni Sehun.

“Gago, what I mean is, give me some time to think.”

At nag-walk out si Sehun.

Part 2

A/N:

walang kwenta sa sobrang ka-cornihan at ok waley
happy birthday sehun, you sexy motherfucker.

character: sehun, pairing: sekai, character: kai, fic: isa akong tunay na lalaki!, fic: tagalog

Previous post Next post
Up