lagi kong pinipilit maging proactive at magpaka- mind over matter lalo na kpag may trabaho. kahit hindi ko na keri. kailangang mabuhay. pero lately nahihirapan akong matulog sa kakaisip. parang araw-araw lalong nagsi-sink-in sakin kung gano kalungkot ang buhay ko.
hmmm...meron akong tulang sinulat mahigit isang buwan na rin ang lumipas. tungkol sa isang tao. iniisip ko kung relevant pa ito o kung magiging relevant/ timely pa....
hmmm.... iba talaga ang free internet. wala naman talaga akong masabi pero ini-enjoy ko lang to. actually bawal at puwede akong matsugi sa work pero deadma na. ano kayang gagawin ko sa day off ko? definitely iinom. mas maganda kung may videoke. two days na lang. hmmm....
nakakabingi ang katahimikan dito sa office ngayon. tatlong tao na lang kami kasi last shift ako ngayon. ang lamig pa! in fifteen minutes log out na ako. kung may powers ako hahatakin ko talaga yung kamay ng orasan
( Read more... )
it's been a while!!! antagal ko na ring di nakakabisita dito.... ayoko munang magdadadada ng mga naiisip ko ngayon.basta ang napapansin ko... gumagrabe yata ang mga dilemma at frustration natin mga Livejournal friends habang tumatagal. wish ko lang since tumatanda tayo e mas gumagaling ang paghandle natin sa mga ito. wala lang....